Inaasahang maipalalabas na ang bagong reformulated COVID-19 vaccines ng mga manufacturer sa mga susunod na linggo.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani, Pinuno ng Vaccine Expert Panel, may approval na aniya ng US-food and drug administration (FDA) sa bagong generation ng bakuna pero hindi pa sila aktwal na nagsisimulang ilabas ito.
Posibleng sa mga susunod na araw ay magdeploy na ang mga gumagawa ng bakuna ng BIVALENT vaccines o yung bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Wuhan at ba.5 subvariant ng OMICRON.
Aniya, sakaling mag-apply rito ang manufacturer para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng nasabing bagong henerasyon ng bakuna, dadadaan pa rin sila sa pag-aaral ng FDA para masuri ang safety and efficacy nito .