Opisyal nang umupo sa pwesto si Police Brigadier General Pablo Gacayan Labra, II bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 13 o CARAGA region.
Pinangunahan ang naturang turnover ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kung saan ginanap ito sa Camp Rodriguez, Butuan City.
Pinalitan ni Labra si Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., na itinalaga sa Philippine National Police (PNP) Directorate for Intelligence sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
Matatandaang, si Labra ay nagsilbi bilang provincial director ng Sulu, Chief ng Regional Staff, Deputy Director for Operations, at Deputy Director for Administration sa PRO-BARMM kung saan niya nakuha ang kanyang unang Estrella.