Ipatutupad na ng gobyerno ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force Sub-Technical Working Group on Data Analytics sa National Task Force Health Facilities Sub-Cluster.
Ito, ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ay bunsod ng pagtaas ng hospital care utilization rate sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Kabilang anya rito ang pagtaas sa availability ng bed capacity sa Metro Manila at karatig lugar o NCR plus area;
Pakikipag-ugnayan sa concerned stakeholders para pagsamahin ang monitoring ng kapasidad ng temporary treatment and monitoring facilities sa measurement nito sa health systems capacity; at pagtitiyak na ang pasyente ay nangangailangan ng pangangalaga at kaagad na maire-refer.
Inatasan naman ang DOH Field Implementation and Coordination Team at NTF Health Facilities Sub-Cluster na makipag-ugnayan sa NCR hospitals upang mabatid kung paano ilalaan ang COVID-19 beds.
Samantala, inatasan din ang NTF Health Facilities Sub-Cluster at DOH Knowledge Management And Information Technology Service na taasan ang kapasidad ng TeleHealth at TeleMedicine sa labas ng NCR.