Hinihintay nalang ng Bureau of Immigration, ang bagong resolusyon na ipapalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa travel ban bunsod ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Matatandaang kabilang sa huling napasama sa travel ban o red list ng Pilipinas ang Portugal, bukod sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy at France.
Ayon sa BI, wala pang nai-exclude na pasahero mula sa mga bansang nasa red list.
Sa ngayon, hinihintay nalang ang pagtatapos ng travel ban na ipinatupad ng IATF hanggang bukas, December 15. —sa panulat ni Angelica Doctolero