Aprubado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong road map para sa kapayapaan na inilatag ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP
Ayon kay OPPAP Secretary Jesus Dureza, ito’y para sa pakikipagkasundo at pakikipag-usap ng pamahalaan sa Bangsamoro gayundin Partido Komunista at ang pagsisikap na maisara na ang pinasok na kasunduan sa Cordillera People’s Liberation Army at iba pa
Binigyang diin ni Dureza, tapos na ang negosasyon ng gubyerno sa Bangsamoro at sunod nang ipatutupad ang mga kasunduan sa MNLF, MILF at Governance Unit sa ARMM
Dagdag pa ng Kalihim, kasama rin sa kaniyang binuong road map ang concerns ng mga katutubo partikular na ng mga Lumad
By: Jaymark Dagala