Muli na namang magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, Marso 28.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 ang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel.
Nasa P0.10 hanggang P0.20 naman ang posibleng i-rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Habang posibleng P0.15 kada litro o hindi na magpatupad ng rollback sa presyo ng gasoline.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggong nagpatupad ng tapyas presyo ang mga kumpaniya ng langis sa kanilang mga produkto.
By Jaymark Dagala