Muling magkakasa ang Department of Health ng panibagong round ng national vaccination days para mas marami pa ang mahimok na magpa-bakuna kontra COVID 19.
Ayon kay health OIC Maria Rosario Vergeire, makatutulong ang tatlong araw na bakunahan sa buong bansa para maging mas madaling ma-access ang COVID 19 jabs.
Ipinabatid ni Vergeire na ang ibinibigay ng gobyerno ay pangunahing bakuna sa lahat ng indibidwal na limang taong gulang pataas, mga unang booster sa lahat ng 12 taong gulang pataas at second booster para sa senior citizens, healthcare workers, with commorbidities at immunocompromised.
Kasabay nito, tiniyak muli ni Vergeire ang pagsusulong ng pagpasa sa panukalang Center for Disease Control Law para sa tuluy-tuloy na pagtugon kontra COVID 19 kahit pa matapos ang deklarasyon ng National State of Calamity sa December 31.