Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, masyado pang malayo ang lokasyon nito at inaasahang sa susunod na taon na ito papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng sa Enero 2 o 3 ng susunod na taon papasok sa bahagi ng Mindanao ang naturang sama ng panahon.
By Ralph Obina