Nagpatupad ng bagong schedule ang PNR o Philippine National Railways para sa kanilang Tutuban-Alabang service simula sa araw na ito August 10.
Bubuksan ang ruta ng Tutuban-Alabang simula alas-5:05 ng umaga samantalang ang huling biyahe ay dakong alas-7:05 ng gabi.
Alas-5:30 naman ng umaga ang unang biyahe ng magmumula sa Alabang patungo ng Tutuban samantalang alas-7:30 ang huling biyahe.
Matatandaan na sinimulan ng PNR ang kanilang limitadong operasyon mula noong July 23 matapos ang dalawang buwang pagtigil ng operasyon sanhi ng pagkadiskaril ng tren noong April 29.
Sa loob ng dalawang buwan ay sumailalim sa rehabilitasyon ang rail system ng PNR upang maiwasan nang maulit ang insidente.
By Len Aguirre