Nagpatupad ng bagong panuntunan ang Kalentong Market sa Mandaluyong City para malimitahan ang bilang ng mga taong pumapasok sa nabanggit na palengke at matiyak ang social distance.
Sa bagong sistema ng Kalentong Market, ginawang alphabethical ang pamamalengke depende sa unang letra ng apelyido ng mga residente.
Sa kanilang anunsyo, maaaring mamili sa Kalentong Market tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo ang mga residenteng ang apelyido ay nagsisimula sa letrang ‘A’ hanggang ‘L’.
Makapamimili naman ang mga residenteng mag apelyidong nagsisimula sa letrang ‘M’ hanggang ‘Z’ tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Habang isasara naman ang Kalentong Market tuwing Lunes para isailalim sa disinfection.
Maliban dito, nilagyan na lamang din ng iisang entry at exit points ang palengke para makontrol ang paggalaw ng mga namimili.