Opisyal nang nagsimula ngayong araw ang pagpapatupad ng bagong school calendar ng ilang unibersidad sa Metro Manila.
Maagang pumasok ang mga estudyante sa De La Salle University sa Taft Avenue para dumalo sa kanilang orientation.
Sa pamamagitan naman ng isang misa ay binuksan ang unang araw ng klase sa University of Santo Tomas.
Kabilang sana ang kontrobersiyal na salutatorian na si Krisel Mallari sa mga estudyanteng dadalo sa orientation ng paaralan.
Ngunit ayon kay Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta, hindi pa opisyal na naka-enroll sa unibersidad si Krisel dahil late na naibigay sa kanya ang kanyang certificate of good moral character.
Kabilang ang DLSU at UST sa mga paaralang nagpatupad ng bagong school calendar kung saan sa halip na sa Hunyo ay inilipat ang pasukan sa Agosto.
By Rianne Briones