Ganon na lang ang gulat at takot ng nag-aalaga sa isang inahing baboy dahil ang isa sa mga isinilang nito na biik, maihahalintulad sa mukha ng tao at gumawa rin daw ng tunog ng isang bata.
Kung nabuhay ang biik, alamin.
Sa Tanjay City, Negros Oriental, nagulantang ang residente na si Alfredo Cardinas Jr. Dahil ang pang-apat sa walong mga biik na isinilang ng kaniyang alagang inahing baboy ay higit na natatangi kumpara sa mga kapatid nito.
Ang biik kasi, ipinanganak lang naman na mayroong mukha na nalalapit sa mukha ng tao. Pero ang facial features nito ay hindi kumpleto.
Ang mas nakakagulat pa, sinabi ni Alfredo na gumawa rin daw ito ng tunog na parang bata.
Ayon naman sa isang beterinaryo, maaaring premature ang nasabing biik o hindi naman kaya ay baka nakaranas ng abnormality ang inahing baboy sa kaniyang pagbubuntis.
Isa raw rare na kaso ang nangyari sa kakaibang biik dahil naging normal naman ang itsura ng kaniyang mga kapatid.
Sinabi naman ng doktor na baka mayroong ibang hayop na nakabuntis na inahing baboy, ngunit pinabulaanan ito ng veterinarian na si Dr. Maria Christine Hope Dejadena dahil hindi raw maaaring mabuntis ang isang baboy ng ibang specie.
Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang kakaibang biik matapos lamang ang apat na oras dahil hirap daw itong dumede sa kaniyang nanay at nailbing na.
Samantala, hindi raw pala iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng biik na namumukod tangi ang histura dahil nagsilang na rin daw noon ang nasabing inahing baboy ng isang biik na tila mayroon namang pakpak.
Gayunpaman, para kay alfredo ay swerte ang hatid ng kakaibang biik dahil nakabili raw sila ng baka at bagong cellphone mula nang ipanganak ito.
Ikaw, ano ang magiging reaksyon mo kung ikaw ang nakakita sa kakaibang biik?