Palaisipan sa mga awtoridad at mga residente sa Agoncillo, Batangas kung paano napadpad ang isang sanggol sa isang kulungan ng manok.
Ayon sa pulisya, isang residente ang nakakita sa sanggol na nakabalot sa tela at inabandona sa loob ng kulungan ng mga manok.
Hindi naman ito nagdalawang isip na i-report sa mga awtoridad, kung saan agad itong inasikaso ng Barangay Health Worker.
Ayon sa mga residente, nakakabit pa umano ang umbilical cord ng sanggol nang makita at bakas pa ang dugo sa kanyang katawan.
Dinala na rin sa ospital ang sanggol upang masuri at nakatakdang i-turnover sa dswd para sa wastong pangangalaga.
Ini-report na rin sa pulisya ang pangyayari at iniimbestigahan kung sino ang nag-iwan ng sanggol sa lugar at kung sino ang mga magulang nito.