Tila nauwi sa isang masalimuot na pangyayari ang isa sanang masayang birthday celebration ng isang pamilya sa isang beach sa Liloan, Cebu.
Isang araw habang nasa beach ang isang pamilya para sa isang selebrasyon, ginulantang sila ng isang hindi pangkaraniwang bagay na natagpuan ng isa nilang kasama sa ilalim ng dagat.
Kung ano ang nangyari, alamin.
Sa isang video, makikita ang isang lalaki na may binibigyan ng cpr sa isang maliit na upuan. Ang sinusubukan niyang i-revive? Isang sanggol!
Sa video ay malalaman na ang nasabing sanggol ay natagpuan ng kaibigan nila na nasa loob ng isang bag sa ilalim ng dagat.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Fernan Rey Brazil kung paano nila natagpuan ang sanggol. Aniya, sumisid daw sa dagat ang kanyang kaibigan at doon nakita ang pulang bag.
Noong una ay inakala raw ng kanyang kaibigan na laman-loob ng baboy ang laman ng bag, ngunit nang dukutin nito ang loob ng bag ay may nakapa raw ito na…………….buhok?
Nang tuluyang makita ang nasa loob ng bag ay dito na tumambad sa kanila ang isang……….. Sanggol!
Ayon kay Fernan, ang sanggol ay nakabalot pa ng plastik sa loob ng pulang bag, walang damit, at hindi pa napuputulan ng umbilical cord o pusod.
Hinala ni Fernan, ito ay bagong silang dahil duguan pa at base na rin sa amoy nito.
Bilang isang ama, sinubukan pang i-revive ni Fernan ang sanggol ngunit wala ring nangyari, dahil ayon sa mga dumating na pulis, may posibilidad na patay na ito bago pa itinapon sa dagat.
Iniimbestigahan na rin ng mga pulis ang kaso at nagbigay din ng paalala sa mga magulang na maging responsable at sinabing ang sinumang magtapon ng sanggol na 3 days old pababa ay mapapatawan ng kasong infanticide.
Samantala, ang mga otoridad na rin ang naglibing sa nasabing sanggol.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa mapait na sinapit ng inosenteng sanggol na ito?