Nagkakasa ng bagong sistema ang Philippine National Police PNP para hindi mapeke ang mga dokumentong isusumite kaugnay sa pag-iisyu ng LTOPF o license to own and possess firearms.
Tiniyak ito ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor matapos madiskubre ang anomalya hinggil sa ‘LTOPF for sale’.
Ayon kay Mayor, bibigyan ng kalayaan ang bagong hepe ng Firearms and Explosives Division para maglatag ng mga reporma sa application ng LTOPF.
Nilinaw ni Mayor na hindi kasali rito ang application at issuance ng PTC o permit to carry firearms dahil iba ang data base nito sa LTOPF.
Magugunitang, 15 tauhan ng FEO kasama ang hepe nito ang sinibak at 12 indibiduwal ang kakasuhan dahil sa pamemeke ng neuropsychiatric exam para makakuha ng lisensya ng baril.
By Judith Larino | Jonathan Andal