Inirekomenda ng grupong Automated Election System o AES Watch ang dalawang bagong sistema para sa pagbibilang ng boto para sa 2016 Presidential elections.
Ipinakilala ng grupo ang Transparent and Credible Election System o TCRES gayundin ang FAITH o Fairness Accuracy Integrity Transparency and Honesty na pawang mga imbensyong Pinoy.
Sa TCRES, mano-mano ang gagawing pagboto at pagbibilang nito ngunit gamit ang laptop, sasabayan nito ang bilangan saka ita-transmitt ang resulta.
Mala-lotto type naman ang sitema ng pagboto gamit ang FAITH kung saan, ise-shade ng kulay pulang marker ang balota saka ito idaraan sa scanning ng tablet at para makasiguro, maaaring magprint ng resulta para madouble-check ng botante.
Ayon kay dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Atty. Gus Lagman, subok na ang manu-manong halalan ngunit kailangan lang itong dagdagan ng makabagong sistema gamit ang teknolohiya.
Kumbinsido sila Lagman na may sapat pang panahon upang makahabol ang pagpapalit ng sistema ng halalan para sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala