Panibagong solusyon na naman ang naisip ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tugunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, plano nilang maglagay ng steel fences at rubber bollards para mabakuran ang ilang lane sa EDSA.
Alinsunod na rin aniya ito sa ipinatutupad nilang yellow lane policy para sa mga city bus sa kalsada.
Paliwanag pa ni Garcia, ang naturang mga harang ay para magabayan ang mga commuter sa tamang babaan at sakayan.
Muli ring iginiit ni Garcia na hindi ito isang parusa sa mga commuter kundi layon lamang nitong isaayos ang trapiko sa EDSA.
Inaasahang sisimulan ang paglalagay ng mga bakod sa susunod na linggo.