Kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ng Pilipinas ang pag-develop ng bagong pagkukunan ng enerhiya ng bansa.
Ito ay matapos ianunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang taas-singil sa kuryente bunsod ng nararanasang krisis sa produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera, layon nitong tulungan na mabasawan ang electricity rates o bayarin sa kuryente ng mga Pinoy.
Makatutulong din aniya ang pag-adopt ng bansa sa nuclear power dahil magbibigay daan ito sa ligtas na suplay ng nuclear energy na mas mura kumpara sa iba pang enerhiya.
Pero kailangan munang tiyakin na ligtas ito para sa lahat bago gamitin para hindi matulad ang bansa sa insidenteng nangyari sa Chernobyl at sa Fukushima, Japan.—-sa panulat ni Abie Aliño-Angeles