Isang bagong species ng sinaunang tao ang natuklasan sa isang kuweba sa Cagayan.
Ayon sa ulat ng New York Times, ang mga fossil bones at ngipin ay natuklsan sa Callao Cave sa Peñablanca Cagayan at pag-aari ng mga sinaunang tao na Homo Luzonensis.
Lumilitaw na mula sa tatlong indibiduwal ang naturang mga buto ng mga sinaunang tao na may taas na nasa 3 ½ feet lamang.
Taong 2007, 2011 at 2015 pa natagpuan ang naturang mga buto ng tao at ngayon lamang lumabas ang resulta ng pag-aaral dito.
—-