Inaasahang mailalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Enero ng susunod na taon ang bagong suggested retail prices (SRPs) para sa Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs).
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, kailangan aniya ng sapat na panahon upang i-evaluate ang mga presyo ng nasabing produkto.
Sinabi pa ng kalihim na patuloy nilang minomonitor ang presyo ng raw materials.
Nakikipag-usap na rin aniya sila sa manufacturers upang maayos na ma-assess ang mga requests kaugnay sa adjustments sa SRP.
Sinabi pa ni Pascual na huli silang naglabas ng SRP noong Agosto.