Magpapalabas ang Department of Trade and Industry o DTI ng bagong SRP o Suggested Retail Price para sa mga produktong karaniwang inihahanda tuwing noche buena ngayong araw.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Anne Claire Cabochan, asahan na ang pagtaas sa presyo ng ilang mga noche buena products tulad ng hamon, keso, pasta, fruit cocktail at condensed milk.
Gayunman, tiniyak ni Cabochan na bahagya lamang ang magiging paggalaw sa presyo ng mga nabanggit na produkto matapos mapakiusapan aniya ng DTI.
Hinihintay na lang aniya ang permiso mula kay Trade Secretary Ramon Lopez para sa ipapataw na dagdag-presyo.