Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan na may parating pang mga karagdagang suplay ng bakuna sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo.
Ito’y matapos maantala ang pagbabakuna ng first dose ng COVID-19 vaccines sa ilang lokal na pamahalaan.
Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, inaasahan na maipagpapatuloy ang pagbabakuna sa kalagitnaan ng Hulyo pagdating ng mga suplay ng bakuna.
Ipinabatid din ni Olivarez na inatasan sila ng national government na habang wala pang bakuna ay gamitin ang mga araw para sa pagiimbentaryo para sa second dose dahil sa limitadong suplay ng bakuna kontra COVID-19.