Napasakamay ng bansa ang panibagong supply ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac at Sinopharm.
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang 1-M doses ng Sinovac vaccines ay binili samantalang ang halos 261,000 doses ng bakuna mula sa Sinopharm ay donasyon ng chinese government.
Ang mga nasabing bakuna ay dumating sa bansa sakay ng PAL flight pasado alas-6 ng umaga sa NAIA Terminal 2.
Winelcome nina Assistant Secretary Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at DOH Director Ariel Valencia ang mga nasabing COVID-19 vaccines.
Nasa 26.5 doses ng Sinovac vaccine na ang natanggap ng bansa samantalang kinumpleto naman ng bagong supply ng Sinopharm vaccines ang 1-M doses nito na donasyon ng Chinese Government.