Natuklasan ng mga researchers sa China ang isang bagong klase ng swine flu na maaaring magdulot ng panibagong pandemya.
Pinangalanan ang bagong virus bilang G4 na nanggaling umano s a H1-N1 strain virus.
Ayon sa mga scientist mula sa Chinese universities at China’s Center for Disease Control and Prevention, nagtataglay ang bagong virus ng palatandaan na mabilis na makahahawa sa mga tao.
May kakayanan itong i-replicate o gayahin ang cells ng mga tao at makapagdudulot ng mga malalang sintomas tulad ng lagnat at ubo.
Nakita rin sa pag-aaral na hindi kayang labanan ng nabuong antibodies ng tao mula sa ibang uri ng trangkaso ang G4 virus.
Ito ay sa isinagawang pagsusuri sa 338 na mga swine workers o mga nag-aalaga ng baboy sa China ang nahawaan ng G4 virus.
Gayunman, wala pang patunay na nagkaroon na ng human-to-human infection sa bagong virus.