Ikinagalak ng Malakaniyang ang resulta ng panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan sinasabing 79% ng mga Filipino ang nagsusuot ng face mask tuwing lumalabas ng bahay bilang proteksyon kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na sumusunod ang mga Filipino sa itinakdang health protocols ng pamahalaan.
Gayunman nagpaalala si Roque na hindi ibig sabihin nito ay dapat nang makumpiyansa ang publiko hangga’t wala pa ring bakuna.
Dapat pa rin aniyang mag doble ingat upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 kasabay nang unti-unting pagbuhay sa ekonomiya.