Pormal nang pinasinayaan ang magsisilbing tahanan ng pinakabagong free TV channel sa bansa.
Pinangunahan ni ALC Group Chairman at Aliw Broadcasting Corporation President D. Edgard Cabangon ang soft opening ng studio ng ALIW Channel 23 sa 20th floor ng City State Centre Building sa Pasig City.
Nakiisa rin sa pagbubukas ng ALIW Channel 23 studio ang iba pang opisyal ng Aliw Broadcasting Corporation tulad nina General Manager Randy Cabangon, Executive Vice President Atty Mc Neil Rante, Vice President for Business Development Dennis Antenor, Jr. at Vice President for Sales and Marketing Marvin Estigoy.
Sinaksihan din ng mga empleyado ng DWIZ 882 Radio gayundin ng iba pang sister companies nito sa ilalim ng alc group of companies ang pagbubukas ng ALIW Channel 23 studio.
Isang misa ang idinaos sa pangunguna ng deputy chaplain ng Philippine Airforce na si Father Harley Flores.
Ang ALIW channel 23 ay napapanood via test broadcast sa digital free TV na ALIW 23 kung saan ay nasa channel 72 ng SKY cable channel 72, TV plus Channel 27 at GMA affordabox Channel 32.
Available rin ang ALIW Channel 23 sa Digital TV devices at TV receivers at paki scan na lamang sa inyong Digital TVs at channel boxes upang mapanood ang ALIW 23.