Pormal nang nanumpa kahapon bilang Associate Justice ng Supreme Court si dating Court Administrator Jose Midas Marquez.
Nanumpa si Marquez sa harap mismo ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Si Justice Marquez ang 192 mahistrado na naitalaga sa kataas taasang hukuman.
Pinalitan ni Marquez sa posisyon si Associate Justice Edgardo Delos Santos na nagretiro noong Hunyo.
Si Marquez ang dating spokesperson ng SC noong panahon nina dating Chief Justices Reynato Puno at Renato Corona.
Naging abogado si Justice Marquez noong 1994 at nag-aral ng abogasya sa Ateneo De Manila University. —sa ulat ni Bert Mozo (Patrol 3), sa panulat ni Hya Ludivico