Nanawagan nang patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ang bagong talagang pangulo ng PhilHealth.
Binigyang-diin ni bagong PhilHealth president Emmanuel Ledesma, Jr. na ang pagkakaisa ang susi sa tagumpay ng national health insurance program kasabay ang paghimok sa mga empleyado ng ahensya na magtrabaho bilang suporta sa mga ospital at doktor na kanilang partners para maisulong ang kapakanan ng mga pasyente.
Sinabi pa ni Ledesma na ang tunay na kalaban ay ang iba’t ibang sakit at kondisyong pangkalusugan ng mga Pilipino na kailangan aniya ng suportang pinansyal para sa gastusin sa pagpapagamot.
Si Ledesma ay itinalaga ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bilang acting president at Chief Executive Officer ng PhilHealth at miyembro ng board of directors bilang expert panel.
Nagsilbing pangulo ng power sector assets and liabilities management sa loob ng limang taon si Ledesma na dalubhasa sa banking at corporate finance at mayruong malawak na karanasan sa local at international banks.