Tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na masisilayan ang bagong tanawin ng Manila Bay sa pasko sa susunod na taon.
Ito’y matapos tanggapin ni Cimatu ang hamon na pagsasagawa ng rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ayon kay Cimatu, nagsimula na siyang makipagpulong sa mga kinauukulang ahensya para masimulan na ang rehabilitasyon sa unang buwan ng bagong taon.
Kanila aniyang gagawin ang lahat upang maibaba ang colifirm level sa Manila Bay sa 100 most probable number per 100 mililiters para maging ligtas na ang tubig nito sa mga nais maligo.
Nabatid na ngayon ay nasa 333 million MPN ang coliform level sa Manila Bay.