Nakatakda nang magbukas ang bagong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa isang mall sa Makati city, sa Lunes, Abril 5.
Ayon kay BI Makati Chief Maria Rhodora Abrazaldo, matatagpuan ang na ang BI Makati Extension Office sa 5th level ng Ayala Circuit Mall.
Layon ng naturang extension office na makakatulong sa Top 1000 corporations sa Pilipinas na kabilang sa top performing bi offices sa nakaraang mga taon.
Sinabi naman ni BI Commissioner Jaime Morente na ang paglilipat sa kanilang tanggapan ay napapanahon dahil inaasahan nilang muling lalago ang negosyo kasunod ng pagluwag ng mga restriksiyon dala ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, bukod sa Makati Office, nalalapit na ring magbukas ang bagong tanggapan BI Main Office Sa Diosdado Macapagal Boulevard. – sa panulat ni Mara Valle