‘Go signal’ na lamang ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang hinihintay ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) para magamit ang bagong gawang taxiway ng paliparan.
Sinabi ni MCIA officer-in-charge Glenn Napuli na tiwala silang sa susunod na buwan ay magagamit na nila ang ikalawang taxiway.
Magugunitang pinasinayaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang P222-milyong project na bahagi ng expansion project ng MCIA.
Dahil sa nasabing proyekto, kaya nang mag-accommodate ng MCIA ng 50 eroplano kada mula sa ngayo’y 35 lamang at maaari ring makapagparada ng kanilang eroplano ang airline companies dito tuwing may mga emergency o masama ang panahon.