Hindi muna mapo-proseso ang mga aplikasyon ng mga bagong driver na nais sumali sa mga transport network vehicle service o TNVS kagaya ng Grab at Uber.
Paliwanag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, bibigyang prayoridad muna ang mga mayroon pang pending application sa ahensya simula noong March 5.
Saka lamang umano sila tatanggap ng bagong aplikasyon kapag lumabas na hindi pa sapat ang pending application na na-iproseso para tugunan ang demand mula sa commuters.
Nabatid na mayroon pang halos 120,000 na hindi pa naipo-prosesong mga aplikasyon ang Grab at Uber sa LTFRB ngunit bababa pa ito depende sa magiging resulta ng independent audit sa mga aplikante.
—-