Ipinababasura ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Toll Regulatory Board o TRB ang bagong pamamaraan ng toll collection sa Skyway.
Ito ay matapos makaranas ng matinding daloy ng trapiko ang mga motorista nang ipatupad ang bagong sistema ng pangongolekta sa toll.
Ayon kay Secretary Tugade dapat munang ipinagbigay alam sa publiko ang bagong pamamaraan ng paniningil ng toll bago ito ipinatupad.
Dagdag pa ni Tugade dapat na iwasan ang pagpapatupad ng mga bagong sistema hangga’t hindi natitiyak kung ito ay maayos na maipatutupad.
Samantala, tiniyak ni Alberto Suansing, tagapagsalita ng TRB na paunti-unti lang na ipatutupad ang bagong payment scheme sa Skyway Plaza.
Sinabi ni Suansing na uunahing singilin ang mga class 2 vehicles tulad ng bus at van samantalang ang mga class 1 vehicle naman tulad ng mga kotse ay sisingilin sa dating Skyway entries.
Bukod dito sisikapin din nila umanong magdagdag ng counterflow para mas maging maaayos ang daloy ng trapiko.
—-