Ipatutupad na ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) ang bagong toll rates sa Cavitex R-1 segment simula 22 ng Mayo.
Una nang inanunsiyo ng Toll Road Operator na sisimulan na nito ang paniningil nuong May 12 ngunit ipinagpaliban ito para magbigay ng karagdagang oras sa PUV drivers at operators na makarehistro sa Toll Reprieve Program nito.
Nakasaad sa naturang programa, mabibigyan ng rebate ang mga PUV drivers at operators upang sila ay makakapagpatuloy ng pagbabayad pa rin ng lumang toll rates kung saan 25 pesos sa class 1 at 50 pesos naman sa class 2.
Ang Toll Reprieve Program ay system driven gamit ang Easytrip RFID kung saan kailangan lamang i-enroll ng drivers at operators ang kanilang Easytrip account sa tulong ng kani-kanilang transport organizations.
Tatakbo ang programa sa loob ng 90 araw matapos ang unang araw ng pag-implement ng bagong toll rates.