Sinimulan na 6:00 kaninang umaga ang panibagong traffic scheme sa Alabang at EDSA Balintawak dahil sa patuloy na konstruksyon ng Skyway Extension at Skyway Stage 3 project.
Ayon sa MMDA kabilang sa pagbabago ang mga sumusunod: sa Alabang – magpapatupad ng one way traffic scheme para sa mga sasakyang pa Southbound sa West Service Road ng South Luzon Expressway mula Alabang Hills hanggang Alabang Zapote Road magpapatupad din ng one way traffic sa Northbound lane ng Alabang temporary steel ramp mula 5:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga araw-araw at ang mga apektadong sasakyan sa Northbound ay pinapayuhang dumaan sa Alabang via duct at grade level.
Samantala sa Balintawak interchange – simula alas onse ng gabi ngayong araw na ito isasara ang isang linya sa EDSA Balintawak Northbound patungong North Luzon Expressway para sa pagtatayo ng vertical bridge support sa ilalim ng EDSA bridge at mga light vehicles mula sa Monumento via EDSA bago dumating ng Balintawak ay maaaring kumanan sa A. De Jesus St., Kaliwa sa C3 patungo sa destinasyon.
Ang nasabing traffic scheme sa Alabang ay tatagal ng tatlong buwan samantalang hanggang March 5 naman tatagal ang closures sa Balintawak interchange.
Maglalagay din ng girders sa kahabaan ng A. Bonifacio kaya isang linya lang ang madaraanan ng mga patungong NLEX at dalawang linya para sa mga patungong Maynila sa loob ng walong araw mula February 22 hanggang 29 alas onse ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw.