Isasagawa ang dry run ng bagong traffic scheme sa Elliptical Road sa Quezon City, ngayong araw, Oktubre 22.
Ayon kay Dexter Cardenas, Hepe ng Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management, ito ay bagong traffic scheme na ihahanay ang mga lane ng Elliptical Road kung saan may intersection upang maiwasan ang traffic tuwing rush hour.
Dagdag pa ni Cardenas, papagandahin ang lugar para sa tamang direksyon ng motorista at pagbubutihin ang designated lane ng bike lane
Sisimulan ng maglagay ng plastic barriers at bollards sa Elliptical Road ng alas-6 ng umaga.
Asahan na rin ang matinding trapik sa lugar dahil sa Lunes ang aktuwal na pagpapatupad nito. —sa panulat ni Jenn Patrolla