Nanumpa na bilang ika-siyam na Secretary-General ng United Nations (UN) si dating Portuguese Prime Minister Antonio Guterres kapalit ni Ban Ki-Moon.
Idinaos ang simpleng turnover ceremony sa UN General Assembly na pinangasiwaan ng General Assembly President na si Peter Thomson.
Si Guterres ang unang dating head of state na mamumuno sa UN at opisyal na manunungkulan simula Enero 1.
Kabilang sa mga kahaharaping problema ni Guterres ang giyera sa Middle East partikular sa Syria, Iraq at Yemen at nuclear deal sa Iran at North Korea.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters