Opisyal ng itinalaga ng General-Assembly bilang bagong Secretary-General ng United Nations si dating Portuguese Prime Minister Antonio Guterres kapalit ni Ban Ki-Moon.
Inihalal ng General-Assembly si Guterres sa isinagawang eleksyon noong isang Linggo.
Nangako ang 67 taong gulang na bagong UN Secretary-General na isusulong ang human rights at magpapatupad ng mga reporma sa UN.
Samantala, hindi pa malinaw kung ano ang mga plano ni Guterres sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East partikular sa Syria, Iraq at Yemen maging sa refugee crisis at kaguluhan sa South Sudan.
By Drew Nacino
Photo Credit: AP