Itinalaga na si Winnie Byanyima bilang bagong mamumuno sa Joint United Nations Program on HIV/AIDS (UNAIDS).
Ito ay matapos ang ginawang pagbibitiw ni Michel Sibide noong Mayo dahil sa mga akusasyon at paratang sa dating executive director.
Ayon sa tagapagsalita ni UN Secretary General António Guterres, mayroong mga ginawang kampanya si Byanyima para labanan ang aids sa buong mundo.
Isang karangalan naman para kay Byanyima ang ginawang pagtatalaga bilang executive director ng UNAIDS.
Si Byanyima ay nagmula sa bansang Uganda at nagsilbi bilang executive director ng Oxfam International mula noong taong 2013.