Ipinangalan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang bagong uri ng hybrid orchid sa Singapore.
Nagpunta ang mag-asawang Marcos sa National Orchid Garden sa pangalawang araw ng kanilang state visit kung saan sinabi sa kanila ng mga opisyal ang tungkol sa bagong variant ng bulaklak.
Tinawag na Dendrobium Ferdinand Louise Marcos ang bagong hybrid na orchid na sinasabing matibay at malayang dumadaloy at gumagawa ng mga semi-arching inflorescences na 50 hanggang 70 centimeters ang haba.
Nagbubunga rin ito ng 20 hanggang 30 na bulaklak, na may sukat na hanggang 4 centimeters.
Ayon kay Whang Lay Keng, Curator ng naturang flower arrangement, ang nasabing event ay sumisimbolo ng mas malapit na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore. – sa panulat ni Hannah Oledan