Isang bagong uri ng insekto na nadiskubre ng mga mananaliksik mula sa Virginia Tech sa United States ang binigyan ng pangalang isinunod sa multiple Grammy-winning artist na si Taylor Swift.
Tinawag itong Nannaria Swiftae o swift twisted-claw millipede na kabilang sa 16 na bagong species ng twisted-claw millipedes.
Nabatid na natagpuan ang Appalachian Millipede sa Fall Creek Falls State Park sa Spencer, Tennessee kung saan, nagsimula ang career ng singer.
Aminado naman ang lead scientist ng naturang pag-aaral na si Dr. Derek Hennen, na isa siyang fan ng singer at paraan niya ito upang bigyang-pugay si Swift.