Hindi pa malinaw kung ang bagong COVID-19 Omicron variant ay mas transimissible kumpara sa ibang pang variants.
Sinabi ng World Health Oganization o WHO, tumaas ang bilang ng mga naoospital sa South Africa ngunit posibleng dahil lang ito sa mga nahawaan ng COVID-19 at hindi dahil sa Omicron variant.
Dagdag ng WHO, lumalabas sa preliminary evidence na mas mataas ang panganib na dala nito sa reinfection kumpara sa ibang Sars Cov-2 variants.
Sa ngayon, pinagaaralan na ng technical experts ng WHO ang potential impact ng variant sa existing countermeasures laban sa COVID-19 kasama na ang bakuna.