Inihayag ni Dr. Rontgene Solante, Hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit ng San Lazaro Hospital na malabong kumalat sa susunod na tatlong buwan ang bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Solante, ito ay dahil may protection ang publiko laban sa virus dahil sa tulong ng mga bakuna.
Sinabi ni Solante na dapat ay mabakunahan ang lahat sa Pilipinas upang maiwasan ang anumang variant na maaaring kumalat sakaling makapasok ito sa bansa.
Dagdag pa ni Solante na ang COVID Mutation ay maaari lamang mangyari sa mga taong hindi pa bakunado.
Samantala, ang mga taong na-infect naman ng virus sa panahon ng Omicron surge ay hindi tatamaan ng anumang variant na papasok sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero