May nadiskubreng panibagong variant ng COVID-19 ang bansang japan mula sa isang turista mula sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng Japan National Institute of Infectious Disease na nakolekta ang sample mula sa nasabing turista mula sa Pilipinas nuong Pebrero 25.
Nabatid na nagtataglay ang nasabing variant ng N501Y at E484K, ang dalawang virus mutations na unang nakita sa bahagi ng Central Visayas Region nuong isang buwan.
Pero ayon naman kay Dr. Cynthia Saloma, executive director ng Philippine Genome Center na posibleng ang N501Y mutation ay nagmula sa mabilis na pagkalat ng virus.
Habang pinaniniwalaang kayang sirain naman ng E484K mutation ang ang bisa ng mga available na bakuna kontra COVID-19.