Pinag-aaralan ng mga expert ang natuklasang bagong variant ng coronavirus na nakapasok sa Japan sa pamamagitan ng apat na biyahero mula sa Brazil.
Ayon kay Takaji Wakita, pinuno ng National Institute of Infectious Diseases wala pang katibayang ang bagong variant mula Brazil ay mas nakakahawa.
Sa mga biyaherong dumating sa Haneda airport noong January 2 isang 40 anyos na lalaki ang nahirapang huminga, ang 30 anyos na babae naman ay nakatakas ng pananakit ng ulo at pamamaga ng lalamunan, isang teenager na lalaki ang nilagnat samantalang wala namang nakitang anumang sintomas sa isang babaeng teenager .
Una nang nagdeklara ng state of emergency ang Japanese government sa Tokyo at tatlo pang prefectures dahil sa paglobo ng COVID-19 cases doon.