inaasahang mas dadami pa ang bilang ng tinatamaan ng subvariants ng omicron at posibleng maitala ang wave of infection sa buong mundo matapos kumalat sa dalawamput siyam na bansa ang bagong variant ng covid-19 na XBB.1.5.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Technical Lead on Covid-19 at Epidemiologist Maria Van Kerkhove, isa ang naturang virus sa pinaka nakakahawang subvariant na kanilang nadetect.
Sinabi ni Kerkhove na kahit highly-transmissible ang nasabing sakit, hindi ito nangangahulugan na magkakaroon ng maraming bilang ng masasawi dahil nagpapatuloy parin ang countermeasures ng mga bansa.
Samantala, sa naging pahayag naman ni Infectious Desease Expert Dr. Rontgene Solante, na mabilis man ang pagkalat ng XBB.1.5 na descendant ng XBB at XBB.1, wala pa namang nitatalang kaso nito sa Pilipinas batay narin sa pagsusuri ng Philippine Genome Center.
Iginiit ni Solante na maaari paring mahawaan ng covid-19 ang mga nasa labas partikular na ang mga nagpabakuna ng primary series kaya dapat na iprayoridad ng publiko ang booster shot ng pamahalaan.
Naniniwala ang eksperto na sapat pa rin ang ipinatutupad na health and safety protocols ng pamahalaan lalo na sa mga pantalan at paliparan na binababaan ng mga dayuhan.