Pinatutukan ng isang eksperto ang bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng Technical Working Group ng DOH, nakakaalarma ang bagong variant ng virus dahil sa pag-aaral na nagsasabing mahigit sa 70% nakakahawa ito.
Ani Lim, sa oras na kumalat ito sa Pilipinas tiyak na mas lalong dadami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Lim, likas sa virus ang nagbabago dahil paraan aniya ito para mabuhay sila sa iba’t ibang komunidad.