Inihayag ng OCTA research team na posibleng dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay ang bagong XBB Omicron subvariant noong Setyembre.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, noong Agosto ay pababa na ang mga naitalang kaso, ngunit nang sumapit ang Setyembre ay bigla itong tumaas.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), mas nakahahawa ang XBB Omicron Subvariant at XBC variant.
Magugunitang, nakapagtala ang Pilipinas ng 81 na kaso ng XBB, habang mayroon namang 193 na kaso ng XBC variant.
Ang XBB ay recombination ng Omicron variant strain na BJ.1 at BM.1.1.1 habang ang XBC ay pagsasanib naman ng BA.2 (Omicron) at B.1.617.2 ng delta variant.