Posibleng may panibago o kasunod pang Covid-19 variant ang Omicron sa kabila ng global rollout ng bakuna.
Ayon sa Infectious Disease expert na si Dr. Edsel Salvana, hindi pa matatapos ang pagkalat ng Omicron dahil patuloy na nagmu-mutate ang virus habang marami ang hindi pa rin nababakunahan o nagpa-pa-booster.
Sa datos ng DOH, mahigit 1,200 karagdagang kaso ng Covid-19 Omicron variant ang naitala hanggang kahapon.
Nanawagan naman si Salvana sa publiko na kumpletuhin ang primary series ng bakuna at booster shot. —sa panulat ni Jenn Patrolla