Ilulunsad ng DOST Food and Nutrition Research Institute (FNRI) bukas, April 28 ang bagong variant ng nutribun para magamit sa feeding programs at mapataas ang demand para sa mga magsasaka ng gulay.
Ayon sa DOST FNRI ang nasabing variant ng nutribun ay gawa sa carrots na mayroong natural fiber at walang artificial flavor at color.
Nagbibigay din anito ng energy, protein, vitamin A, iron, calcium, potassium at zinc ang nasabing enhanced nutribun na sadyang inirerekomenda para sa mga bata.
Kaugnay nito inimbitahan ng DOST FNRI ang mga manufacturer at mga bakery na kunin ang recipe ng bagong variant ng nutribun para maging available ito sa mga bata sa buong bansa.